^

Metro

Kelot todas sa motorsiklo

-

Patay ang 32-anyos na lalaki makaraang tumila­pon ito ng ilang metro ha­bang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo, kaha­pon ng madaling-araw sa Taguig City.

Namatay dulot ng pag­kabali ng tadyang ang bik­timang si Christopher Asig­nado, residente ng #3707 Brgy. St., Lower Bicutan ng nasabing lungsod.

Naka­detine naman sa Taguig Traffic Enforcement Unit (TEU) ang driver ng pam­pa­saherong jeep na may plakang PYX-601 na si Januario Oliveros, 37, ng #389 Proper Tanyag, Ta­guig City.

Batay sa imbesti­gas­yon, dakong alas-5:30 ng ma­daling-araw nang mang­yari ang insidente sa harap ng PNCC Skyway East Ser­vice Rd., Tene­ment, Ta­guig City. Ayon kay Olive­ros, bi­na­­baybay uma­no niya ang kahabaan ng East Service Rd. patu­ngong Pasay ha­bang nasa ga­wing kanan naman ang minamane­hong motorsiklo ng biktima na Honda XRM 5572.

Nagulat na lamang umano siya nang bigla na lamang may kumalampag sa likurang bahagi ng kan­yang jeep kung saan ay agad siyang huminto. Nang kanyang tingnan, na­kita niya ang tumilapon na biktima hanggang sa bu­magsak sa lupa. Dali-dali siyang buma­ba ng jeep upang isugod ang biktima sa nabanggit na ospital su­balit namatay ito habang nilalapatan ng lunas.

Nakatakdang sampa­han ng kasong reckless impru­dence resulting to homi­cide si Oliveros na nakapiit ngayon sa Taguig Traffic Po­­lice. (Rose Ta­mayo-Tesoro)

vuukle comment

CHRISTOPHER ASIG

EAST SERVICE RD

JANUARIO OLIVEROS

LOWER BICUTAN

PLACE

PROPER TANYAG

ROSE TA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with