Fetus itinapon sa comfort room

Isang fetus ang natagpuan sa loob ng comfort room ng isang kilalang food-chain kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang fetus na tinatayang nasa pito hang­gang walong buwan ay nakita sa loob ng comfort room ng isang foodchain sa Tayu­man panulukan ng Juan Luna Sts., Tondo, Maynila.

Sa ibinigay na salaysay ni Danilo Villegas, 21, service crew nakita umano niya ang na­sabing fetus habang naglilinis siya sa nasabing comfort room.

Una niyang inakalang isang pusa pero ng tignan niyang mabuti ay natiyak niyang fetus. Naniniwala ang pulisya na itinapon lamang dito ng isa sa mga customer ang naturang fetus. (Grace dela Cruz)

Show comments