2 binata sinumpak
Kapwa binawian ng buhay ang dalawang kabinataang magkaibigan matapos silang sumpakin ng kanilang mortal na kaaway nang mag-krus ang landas ng mga ito kahapon ng madaling araw sa
Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela City General Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng sumpak sa katawan ang mga biktimang sina Eric Cacho, 21, at Carlo Madero, 18, pawang mga residente ng Sitio Kabatuan, Barangay Gen. T. de Leon ng nasabing lungsod.
Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Fernando Bello, may sapat na gulang, naninirahan sa 6113
Ayon sa report ni SPO2 Angeles Miranda, Jr., may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw, malapit lamang sa bahay ng mga biktima sa nabanggit na lugar.
Naglalakad ang mga biktima sa naturang lugar nang makasalubong nito ang suspek na armado ng sumpak at agad na pinaputukan ang mga ito. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending