^

Metro

Dalaga tinodas ng kinakasama

- Rose Tamayo-Tesoro -

Patay ang isang dalaga makaraang barilin sa sentido ng kanyang live-in partner ma­tapos umanong magtalo ang mga ito kaugnay sa pag­ka­lulong ng lalaki sa ipinag­babawal na droga, kamaka­lawa ng gabi sa Pasay City.

Hindi na nagawa pang maisalba ng mga doktor ng Pasay City General Hospital sanhi ng tama sa kaliwang bahagi sa kanyang sentido ang biktima na si Raquel Gonzales, 33, residente ng 1734-B F. Munoz St., Tramo ng nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Alberto Barangas, Jr. ng Criminal Investigation Division-Pasay City Police, da­kong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid na bago ang in­ sidente, unang nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at kina­kasama nitong si Julius Morales, nasa hustong gulang.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay bigla na lamang na­karinig ang ginang na si Adoracion Vosotros ng ma­lakas na alingawngaw ng putok ng baril buhat sa loob ng bahay ng biktima kasunod nito ang pagmamadaling paglisan ng suspek.

Nakiusap umano ang suspek sa mga kapitbahay at barangay tanod na dalhin sa ospital ang biktima at habang abalang nagtulung-tulong ang mga kapitbahay sa pag­dadala sa biktima sa paga­mutan ay saka sina­mantala naman ng una ang pagtakas, dala ang baril na ginamit sa insidente.

May hinala naman ang pulisya na may kaugnayan sa droga ang pagkaka­pas­lang sa biktima.

Lumilitaw na nitong mga nakaraang araw ay madalas magtalo ang mag-live-in dahil pinatitigil na ng biktima ang suspek sa pagkaka­lulong umano nito sa ipinag­baba­wal na droga na hini­hinala na­man ng pulisya na naging ugat para paslangin ng huli ang una.

vuukle comment

ADORACION VOSOTROS

ALBERTO BARANGAS

B F

BIKTIMA

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION-PASAY CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with