Caretaker nilasing muna bago kinatay

Posibleng nilasing muna bago pinatay sa saksak ang isang 29-anyos na caretaker ng isang internet café ng hinihinalang dalawang kainuman nito kahapon ng umaga sa Makati City.

Nakilala ang nasawi na si Alvin Janvon Llaborne, stay-in sa Retado Internet Café, na matatagpuan sa Block 68, Lot 1, panulukan ng Catleya at Sampaguita Sts., Barangay Rizal ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng ilang saksak sa leeg, balikat at dibdib buhat sa hindi pa batid na patalim.

Pinaghahanap naman ng pulisya sina Rodel dela Torre at Rey Balagtas, stay-in din sa nabanggit na internet café para magbigay linaw sa naganap na krimen.

Sa inisyal na report dakong alas-5:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng bik­tima sa loob mismo ng Retado Internet Café, ng nabanggit na lugar.

Nabatid na bago matagpuan ang bangkay ng biktima ay nakipag-inuman pa ito sa kan­yang mga kasamahang sina dela Torre at Balagtas.

Naniniwala ang pulisya na hindi na naka­pan­laban ang biktima matapos na lasingin muna at saka pinagsasaksak sa katawan. (Lordeth Bonilla)

Show comments