Mayor San Pedro ng Muntinlupa, kinasuhan ng plunder

Sinampahan ng kasong plunder sa tangga­pan ng Ombudsman si Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro dahil sa umano’y anomalya sa P238 milyon halaga ng infrastructure projects ng lokal na pamahalaan noong 2007.

Ang kaso ay isinampa ni Ariel Dolleton, city department head ng Muntinlupa kay Mayor San pedro at sa 24 na iba pang opisyal sa lungsod  kabilang ang mga konsehal at miyembro ng Bids and Awards committee.

Ayon kay Dolleton, inaprubahan at inaward ng city government ang 11 infrastructure pro­ject na may halagang P238 milyon kahit walang available na pondo at walang public bidding. Ginamit umano ang supplemental budget para sa proyekto na hindi inaprubahan ng Konseho.

Niliwanag ni Dolleton na hindi maaaring ga­mitin ang supplemental budget sa mga pro­yekto ng lokal na pamahalaan dahil alinsunod anya sa local gov’t code, maaari lamang ma­­ga­­mit ito kung mayroong pondo ang lokal na pa­ma­­halaan na sertipikado ng treasurer at kung panahon ng emergency at aprubado ng konseho.

Si Dolleton ay sinibak sa trabaho dahil naman sa umano’y pagsasampa niya ng kaso kay Mayor San Pedro at sa iba pang opisyal ng Muntinlupa.

Kaugnay nito, inutos naman ng Ombuds­man na sagutin nina San Pedro ang kasong ito sa pamamagitan ng kanilang counter affidavit.

Show comments