^

Metro

Contractor todas sa ambush

-

Patay ang isang 25-anyos na contractor makaraang mala­pitan itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang lalaki habang pauwi ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Namatay noon din sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala sa dibdib ang biktimang si Urjano Bingayan, ng Blk. 22 Kenneth Road, Nagpayong Brgy. Pinag­ buhatan ng lungsod na ito.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa kilalang lalaki sakay ng isang motorsiklo na hinihi­na­lang naghihintay sa kanya hindi kalayuan sa lugar ng insi­dente. Ayon kay Richard Gaerlan ng Pasig police, naganap ang in­sidente dakong alas-6:10 ng gabi sa kaha­baan ng Blk. 19 ng nasabing lugar.

Nabatid na nagtungo ng tin­dahan ang biktima upang mag­pa­palit ng barya ng bigla uma­nong lapitan ng suspek na armado ng baril at malapitan itong pinaputukan bago mabilis na tumakas.

Blangko naman ang pulisya sa motibo ng krimen at sa pag­ka­kakilanlan sa salarin dahil hindi sila makakuha ng maayos na impormasyon sa ilang taong nakasaksi sa insidente.

“Ayaw magbigay ng state­ment ng mga nakakita ng pag­patay natatakot daw silang baka mabalikan ng suspek,” pahayag ni Gaerlan.

Sa ngayon ay patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pag­ka­lutas ng kaso. (Edwin Balasa)

vuukle comment

EDWIN BALASA

KENNETH ROAD

NAGPAYONG BRGY

PASIG

RICHARD GAERLAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with