10% diskuwento sa Ocean Park, inaprobahan

Inaprobahan na ni Ma­nila Mayor Alfredo Lim ang 10% diskuwento sa mga estudyante at residente ng Maynila para makapasok at masilayan ang iba’t ibang uri ng isda sa Manila Ocean Park sa likurang bahagi ng Quirino Grand­stand sa Luneta.

Ayon kay Mayor Lim, bini­bigyan ng 10% disku­wento ang mga residente at estudyante, ngunit kaila­ngan lamang na magpa-kita ng anumang school identifi­cation cards parti-kular na ang barangay at birth certificate.

Wala rin naman dapat na ikabahala ang publiko sa seguridad ng Manila Ocean Park dahil sa 24- oras ang mga pulis na na­ g­mo-monitor sa paligid nito upang mai­wa­san ang anu­mang krimen na ihahasik ng mga ma­sasamang ele­mento tulad ng snatching at pangho­hol­dap.

Kabilang sa ipinagma­ma­laki ng Manila Ocean Park ay ang 25-metrong walk oceanarium na tunnel kung saan mamamalas ng malapitan ang iba’t ibang uri ng marine species.

Bukod dito, sinabi din ni Mayor Lim na umaasa siya na mas lalaki ang kikitain ng city government at mag­­bibigay ng maraming tra­baho lalo sa mga Man­i­leño ang MOP. (Doris M. Franche)

Show comments