Hair dresser kinatay

Isang 38-anyos na hair dresser ang pinaslang ng dalawang di-pa kilalang kalalakihan matapos ma­tagpuan ang bangkay nito sa loob ng kanyang bahay sa Novaliches, Quezon City kamakalawa.

Nadiskubre dahil sa ma­sangsang na amoy ang biktimang si Benjamin Salazar, empleyado ng Going Straight Beauty Parlor at residente ng   Block 5 Lot 34, Evangelista Street, Metro Green Village sa Barangay San Barto­lome, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nadiskubre ang bangkay ni Salazar dakong alas-9 kamakalawa ng gabi sa loob ng kanyang kuwarto na tadtad ng sak­sak sa iba’t ibang bahagi   ng katawan.

Ayon sa ilang kapit­ba­hay, dalawang lalaki ang huli nilang namataang pu­masok sa loob ng bahay ng biktima may tatlong araw na ang nakalilipas.

Nangamba na ang mga kapitbahay nang umalag- wa ang masangsang na amoy mula sa bahay ni Sa­lazar kaya kaagad nilang ipi­nagbigay-alam sa pulis­ya. 

Sinisilip ng pulisya ang anggulong pagnanakaw at posibleng kakilala ng bik­tima ang dalawang lala­king pumasok sa bahay nito. (Danilo Garcia)

Show comments