Kotse vs van: 2 katao todas
Trahedya at karit ni kamatayan ang sumalubong sa dalawang sibilyan sa pagdaraos ng Easter Sunday kahapon makaraang sumalpok sa van ang kanilang kotse habang binabagtas ang C-5 flyover sa
Sa ulat na nakarating kahapon kay Eastern Po- liced District director Chief Supt. Leon Nilo de la Cruz, kabilang sa mga biktimang namatay ay sina Abigael Parong, 22, ng #11 Jade Street, Northview, Bata- san Hills, Quezon City at Kristine Marie Orbeta, 23, isang empleyada.
Sa inisyal na imbestigasyon, binabagtas ng Mitsubishi Lancer (UGW 828) ang kahabaan ng southbound sa Barangay Ilog nang mawalan ng kontrol sa manibela si Parong habang papasok sa C-5 flyover bandang alas-6:30 ng umaga.
Napag-alamang sumalpok sa malaking plant pot na nasa center island ang kotse ng mga biktima saka inakupahan ang north bound lane.
Kasunod nito, sinalpok naman ng kotse ang kasalubong na Fuzo Canter van (XJP 834) na minamaneho naman ni Josefino Macas, 44, ng #
Dahil sa matinding pagkakasalpok ng kotse sa van ay naipit si Parong at kaagad na namatay habang si Orbeta ay idineklarang patay sa
- Latest
- Trending