Kampanya laban sa pagkakalat sa lansangan ng QC paiigtingin
Paiigtingin ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang pagbabawal ng pagkakalat sa pamamagitan ng paglulunsad ng dalawang taong anti-littering program lalo na sa mga pangunahing lansangan upang lalo pang maisaayos ang solid management system ng lungsod.
Ang programa na tinawag na “Zero-Litter Program” ay pangungunahan ng limang grupo na binubuo ng 10 katao. Bawat distrito, maliban sa district II ay kailangang may isang field team na mula sa Environmental Protection and Waste Management Dept. (EPWMD).
Ang district II, na may pinakamaraming residente, ay magkakaroon naman ng dalawang field team. Magsasagawa ng house-to-house visit ang bawat field team araw-araw maliban kung Linggo upang ipaalam sa mga residente ang pangkalikasang hakbang at programa na ipapatupad ng EPWMD.
Bago ang city-wide drive, naobserbahan ng mga inspector mula sa EPWMD na ang walang habas na pagtatapon ng basura sa mga pangunahing lansangan ng lungsod ay nagdudulot ng sakit sa mata na nakakasira sa pagiging kanais-nais na lungsod ang Quezon City.
- Latest
- Trending