^

Metro

Trader kritikal sa 2 hired killer

-

Isang 34-anyos na negos­yante ang malubhang nasuga­tan matapos itong barilin ng dalawang hindi kilalang kalala­kihan na pinaniniwalaang mga “hired killer” kahapon ng ma­daling-araw sa Malabon City.

Ginagamot sa Manila Cen­tral University (MCU) Hospital ang biktimang si Noel Tibora, isang scrap buyer, taga Jose St., Concepcion, Niugan, ng na­banggit na lungsod, nagtamo ito ng tama ng bala sa katawan.

Mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang mga sus­pek sakay ng isang motorsiklo.

Sa imbestigasyon ng Mala­bon City Police, naganap ang in­sidente dakong alas-2:30 ng ma­daling-araw sa kahabaan ng Damson St., Brgy. Dampalit ng lungsod na ito habang minama­neho ng biktima ang kanyang owner-type jeep nang bigla na lamang tapatan ng motorsiklo ng mga suspek.

Walang sabi-sabing binaril ng mga suspek ang biktima. Kahit nagtatakbo ang biktima para iligtas ang sarili, hinabol pa rin ito ng mga suspek at muling pinaputukan. Nang maglabasan ang mga residente dahil sa na­rinig na sunud-sunod na putok ng baril, dali-daling nagsitakas ang mga suspek.

Sa teyorya ng pulisya po­sib­leng mga hired killer ang mga sus­pek at maaaring may kinala­man sa negosyo ng biktima na isang scrap buyer ang tangkang pagpatay dito. Sa ngayon ay pa­tuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CITY POLICE

DAMSON ST.

JOSE ST.

LORDETH BONILLA

MANILA CEN

NOEL TIBORA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with