2 sabungero ‘nag-sabong’: 1 patay

Pinatay sa gulpi ang isang sabungero ng kapwa nito sa­bungero matapos magtalo sa kanilang mga manok ka­ma­kalawa sa Ca­ loocan City.

Namatay habang ginaga­mot sa Manila Central Univer­sity (MCU) Hospital sanhi ng tina­­mong pinsala sa kanyang ka­tawan ang bikti­mang si Leo­nardo Soliven, 46, may-asawa ng #55 Malolos St., Bagong Barrio, nabanggit na lungsod.

Tinutugis naman ng pu­lisya ang suspek na si Leo­nardo Leoncio, alyas Nonong, kilalang maton at residente ng Balagtas St., Bagong Barrio.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:50 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa ka­ha­baan ng Gen. Mascarado St., Bagong Barrio, Caloocan City. Nabatid na unang nakitang nagtatalo ang biktima at sus­pek hinggil sa kani-kanilang mga panabong na manok.

Ang pagtatalo ay nauwi na sa panggugulpi ng suspek sa biktima na hindi na nakaganti pa.  Tini­gil lamang ng suspek ang panggugulpi nang ma­ram­daman niyang hindi na humi­hinga ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek at ang bik­tima naman ay isinugod sa pagamutan ng ilang mga residente doon. (Lordeth Bonilla)

Show comments