^

Metro

PNP, AFP todo bantay ngayong Semana Santa

-

Dalawang daan (200 ) sundalo at mga K-9 dogs ang ipinakalat ng AFP-National Capital Region Command (AFP-NCRCOM) sa Metro Manila upang tumulong sa puwersa ng pulisya sa pagbabantay at pagbibigay seguridad sa publiko ngayong Semana Santa.

Ayon kay AFP-NCRCOM Chief Major Gen. Fernando Mesa, minobilisa niya ang kanilang hanay para makipagtulungan sa National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa maayos na pagbibigay proteksiyon sa mama­mayan. Kabilang sa mahigpit na binabantayan ay ang mga terminal ng bus, pantalan, palipa­ran, simbahan na dinaragsa ng mga tao sa pag­gunita sa panahon ng kuwaresma.

Aniya, ang 200 sundalo mula sa NCRCOM ang ikakalat sa iba’t ibang bus terminals na may mga dalang K9 dogs sa Northern at Southern Luzon Expressway at iba pang mataong lugar upang matiyak na hindi makakalusot ang mga terorista.

Sa kasalukuyan, ayon sa opisyal ay wala silang namomonitor na banta ng terorismo sa paggunita sa Mahal na Araw. Mananatili rin aniya sa heightened alert ang kanilang hanay upang matiyak na may naka­handa silang puwersa sa sandaling kailanganin ng tulong ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Samantala, pinaigting kahapon ang segu­ridad sa lahat ng vital installations sa Makati City na itinuturing na financial district ng bansa par­tikular na ang lahat ng naglalakihang emba­hada rito, istasyon ng Metro at Light Rail Tran­sits at ng 17 bus terminals ng southern part ng Metro Manila.

Kaugnay nito, mismong si Southern Police District (SPD) dir. P/Chief Supt. Luizo Ticman ang nanguna sa pagsagawa ng ocular ins­pection  sa lahat ng vital installations sa Makati City pati na sa mga istasyon ng MRT, LRT at 17 bus terminals sa kinasasakupan nito.

Sa panayam kay Ticman, sinabi nito na nais lamang umanong matiyak ng pulisya ang segu­ridad ng mga pampublikong lugar partikular na sa mga naglalakihang embahada sa Makati City laban sa terorismo sa bansa. (Joy Cantos at Rose Tamayo-Tesoro)

CHIEF MAJOR GEN

CHIEF SUPT

FERNANDO MESA

MAKATI CITY

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with