Naaresto ng mga tauhan ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang isang nagpapakilang ahente ng PASG na hinihinalang miyembro ng isang malaking sindikato na nanloloko sa mga importers.
Kinilala ni PASG chief Antonio Villar Jr. ang naaresto na si Silvano Abudanza, 60 anyos, ng F. Manalo St., San Juan.
Nadakip si Abudanza habang nagsasagawa ng operasyon ang PASG sa Port of Manila noong nakaraang Biyernes at magpakilala itong operatives ng PASG sa isang broker.
Nalaman nina PASG-POM director Bienvenido Buhain at kanyang deputy na si Jojo Rodriguez ang raket ni Abudanza hanggang sa bumuo ng team ang PNP at inaresto ang suspect habang papalabas ito ng POM at nakuha dito ang isang pekeng PASG ID at lumang ID ng EIIB.
Nagbabala si Usec. Villar sa mga importers at brokers na mag-ingat sa mga nagpapakilalang mga PASG at nanghihingi ng mga pera kapalit umano ng pagpapalusot sa kanilang mga epektos.
“He was with 3 others in this racket. I tasked PASG operations director Edmund Arugay to conduct a thorough investigation and track down his cohorts,” dagdag pa ni Villar. (Rudy Andal)