^

Metro

Boracay binabantayan sa sunog

-

Nakaalerto na ngayon ang Bureau of Fire Pro-tection (BFP) sa isla ng Bo­racay sa posibilidad ng sunog ngunit tiniyak sa  mga bakasyunista na naka­handa sila sa anu­ mang uri ng “emergency”.

Sinabi ni BFP Region VI Sr. Supt. Aloveel Ferrer na ipinag-utos na niya sa kanyang mga tauhan ang mahigpit na inspeksyon sa lahat ng establisi­mi­yento sa isla partikular na ang malapit sa beach bago sumapit ang Mahal na Araw.

Nabatid na mula no­ong 2007, triple ang bilang ngayon ng mga “commercial shops,” resorts at mga hotel sa isla kaya mas mala­ ki ang posibilidad ng sunog.

Matatandaan na isang sunog ang sumiklab sa isla noong taong 2006 na naging kontrobersyal dahil sa nataon ito sa Mahal na Araw at dagsa ang mga local at dayuhang turista.

Kung sakali na magka­ roon muli ng sunog, nana­wagan si Ferrer sa mga bakasyunista na huwag mag-panic. Tiniyak nito  na handa ang kanilang mga pamatay-sunog kung saan meron na sila nga­yon na “dry stand pipe” na nakakonekta sa dagat kaya hindi sila mauubu­san ng suplay sa tubig.

Maayos naman uma­no ang koordinasyon at pakikipagtulungan ng   Association of Commercial Owners sa isla ng Bo­racay sa BFP sa pama­ma­gitan ng pagbabantay sa kanilang mga miyem­bro na lumalabag sa Fire Code of the Philippines. (Danilo Garcia)

ALOVEEL FERRER

ARAW

ASSOCIATION OF COMMERCIAL OWNERS

BUREAU OF FIRE PRO

DANILO GARCIA

FIRE CODE

SHY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with