^

Metro

4 Metro Mayors kakasuhan ng LTO sa isyu ng single ticketing system

-

Pinag-aaralan ng pa­mu­nuan ng Land Transpor­tation Office (LTO) kung maaari nilang makasuhan ang apat na mayor ng Metro Manila na ayaw tu­mupad sa utos ng Mala­kanyang kaugnay ng single ticketing system.

Sa isang press briefing, sinabi ni Atty Jimmy Pe­si­gan, LTO Executive Direc­tor, pinag-aaralan ng ahen­siya kung maaaring sam­pa­han ng kasong adminis­tratibo ng LTO sa Depart­ment of Interior and Local Govt. (DILG) ang apat na alkalde sa kalakhang May­nila na ayaw sa single ticket­ing system. Ito ay sina Makati Mayor Jejomar Binay, Pasay Mayor Pee­wee Trinidad, San Juan Mayor JV Ejercito at Navo­tas Mayor Tobias Tiangco.

Ayon kay Pesigan, ta­nging ang DILG lamang ang maaaring magsus­pinde sa naturang mga mayors hinggil sa hindi pag­sunod sa EO 712 o single ticket­ing system na pinalabas ni Pangulong Gloria Arroyo kamakailan,

Nag-utos si PGMA ng naturang executive order makaraang magsagawa ng tigil-pasada ang mala­laking grupo ng transpor­tasyon na nagrereklamo sa unified ticketing system o sobrang daming nag- iisyu ng panikit sa mga motorista tulad ng mga lokal na pa­mahalaan sa Metro Manila.

Nais ng transport sector na LTO at MMDA na la­mang ang mag-isyu ng pa­nikit sa mga pasaway na motorista upang hindi ma­gulo at mababang halaga lamang ang penalties. Sa ngayon, mas mataas pa ang violation fee na sinisi­ngil ng mga lokal na pama­halaan sa mga mahuhuling motorista kaysa sa LTO.  (Angie dela Cruz)

ATTY JIMMY PE

EXECUTIVE DIREC

LAND TRANSPOR

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

MAYOR TOBIAS TIANGCO

METRO MANILA

PANGULONG GLORIA ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with