^

Metro

3 vintage bomb nahukay malapit sa bus terminal

-

Binalot ng matinding sindak ang mga pasahe­rong mag-uuwian sa kani-kanilang probinsiya upang gunitain ang Mahal na Araw matapos mahukay at matagpuan ang tatlong malalaking vintage bomb ng ilang obrero sa isang construction site ng isang bus terminal sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ang mga nakuhang vintage bomb na may bigat na 1,000 pounds bawat isa ay kasalukuyang nasa pa­ngangalaga ng SWAT- Ex­plosives and Ordnance Division (EOD) ng Calo­ocan City, kung saan po­sibleng ginamit ito noong panahon ng Ikalawang Dig­maang Pandaigdig.

Ayon sa report , dakong alas-9 ng umaga nang ma­hukay ng mga construction worker ang mga vintage drop bomb sa loob ng Vic­tory Liner Compound na nasa Barangay 80, District 2 ng nabanggit na lungsod.

Ayon pa sa mga awto­ri­dad, abala ang mga cons­truction worker sa paghu­hukay sa naturang lugar, nang bigla na lamang ma­karinig ang mga ito ng ma­lakas na kalansing.

Unang inakala ng mga ito na baul ng kayamanan ang kanilang nahukay, kung kaya’t dahan-dahan at maingat nila itong inalis sa pagkakabaon. Laking gulat ng mga ito nang tu­mambad ang tat­long nag­la­lakihang vintage bomb, na ayon pa sa mga awto­ri­dad, kung tawagin ito no­ong World War 2 ay drop bomb na kayang magpa­sa­bog ng isang buong lungsod.

Ayon sa pulisya, mabuti na lamang aniya at mahina lamang ang pagkaka­puk­pok dito, dahil kung napa­lakas aniya ay maaari itong sumabog, na kikitil ng ma­raming buhay lalo pa nga’t malapit ito sa isang bus terminal. (Lordeth Bonilla)

AYON

CALOOCAN CITY

IKALAWANG DIG

LINER COMPOUND

LORDETH BONILLA

ORDNANCE DIVISION

SHY

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with