DILG , CA binulabog ng bomb threat
Binulabog ng isang text message na nagsasaad na may bombang sasabog sa gusali ng Department of Interior and Local Government (DILG) kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Quezon City Police District-Explosive and Ordnance Division, dakong alas-9:30 ng umaga nang makatanggap ng text messages sa hindi nagpakilalang caller ang isang empleyado na nagpatago sa pangalang Janet.
Nagbuhat umano ang mensahe sa numerong: 0929-6580639 kung saan sinasabi nito na may nakatanim na bomba na maaaring sumabog sa ika-7, ika-8 at ika-10 palapag ng Francisco Gold II Condominium sa panulukan ng EDSA at
Nakatanggap rin umano ng katulad ng text message ang isang tauhan ni Undersecretary for Peace and Order and Transnational Crimes Melchor Rosales sa ika-10 palapag. Naririto rin ang opisina nina Undersecretary for Public Safety Atty. Marius Corpus.
Agad namang hinalughog ng Bomb Squad Unit ng QCPD ang buong gusali ng DILG ngunit makalipas ang isang oras ay nag-negatibo sa anumang uri ng bomba. Sa imbestigasyon nito, una nang nakatanggap ng bomb threat ang DILG nitong nakaraang linggo ngunit nag-negatibo rin.
Kasalukuyan namang tini-trace na ng QCPD at DILG sa tulong ng National Telecommunications Commission ang naturang numero upang makilala ang mga taong nasa likod ng naturang pananakot.
Samantala, nagulantang din ang mga empleyado ng Court of Appeals (CA) matapos na makatanggap din ang tanggapan ng bomb threat kahapon.
Ayon sa ulat, isang hindi nagpakilalang caller ang tumawag dakong alas
Bunsod nito’y mabilis umano na nagsilabas ang mga empleyado ng CA mula sa gusali nito at agad na tumawag ng tulong sa pulisya. Agad naman na ininspeksiyon ng mga miyembro ng EOD ang buong bisinidad at gusali ng CA ngunit negatibo naman ito sa anumang uri ng bomba. (Danilo Garcia at Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending