^

Metro

Sa Pacman vs Marquez: ‘Zero crime’

- Joy Cantos -

Inaasahan ng Philip­pine National Police (PNP) na ma­ uulit muli ang “zero crime rate” sa bansa sa muling pag­tu­tuos nina Manny Pac­quiao at Juan Manuel Mar­quez sa ka­nilang laban sa Mandalay Bay, Las Vegas sa Sa­bado ng gabi (Linggo ng umaga sa Maynila).

“Just like in the past fights of Manny Pacquiao, we expect again a tre­men­dous decrease in the crime volume this Sun­day, or even to the extent of anti­ci­pating a zero-crime rate during the period of the fight,” sabi ni PNP spokes­man Sr. Supt. Nicanor Bar­to­lome sa press briefing sa Camp Crame.

Ayon kay Bartolome, tulad ng mga nakaraang laban ni Pacman ay ina­asa­han nilang sabay-sabay na tututukan ito ng lahat na Filipino.

Sa kabila nito, sinabi ng PNP na hindi rin na­man mag­papabaya ang pulisya sa pagbabantay laban sa mga elemen­tong kriminal na posib­leng magsa­man­tala sa sitwasyon.  

Muling maghaharap sina Pacquiao at Mar­quez para tuldukan na ang ‘un­finished business’ matapos mag-draw sa laban nila noong 2004.

Magugunita na sa tat­long nakalipas na laban ni Pacman kabilang ang kay Erik “El Terrible” Mo­ra­les noong Nob. 18, 2006, kay Jorge Solis noong Abril 14, 2007 at kay Marco Antonio Barrera noong Oktubre 6, 2007 ay naka­pagtala ng zero crime ang pulisya sa Pilipinas.

vuukle comment

CAMP CRAME

EL TERRIBLE

JORGE SOLIS

JUAN MANUEL MAR

LAS VEGAS

MANNY PAC

MARCO ANTONIO BARRERA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with