Biyuda pumalag sa holdap, binoga

Isang 57-anyos na bi­yu­da ang binaril sa dibdib at napatay matapos manla­ban sa nag-iisang arma­dong holdaper na sapili­tang umagaw sa dala niyang handbag kamaka­lawa ng gabi sa Taguig City.

Patay na nang idating sa Taguig-Pateros District Hospital si Godofreda Ca­bana, ng Block-112 Lot-15 Purok 6 Sitio Imelda, Upper Bicutan, Taguig ma­tapos tumagos sa kanyang puso ang bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Mabilis namang tuma­kas ang hindi pa nakikila­lang salarin, bitbit ang hand­bag ng biktima na hindi pa batid kung ano ang mga nilalaman.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Junryn Obico ng Criminal Investigation and Detective Management Unit ng Ta­guig Police, nangyari ang pamamaril dakong 7:10 ng gabi sa harapan ng isang barangay outpost sa Sitio Imelda ilang metro ang layo sa bahay ng biktima.

Pauwi na umano si Ca­bana nang harangin at tu­tukan ng baril ng nag-iisang suspek at pilit na hinablot ang kanyang dalang bag.

Hindi naman nagpasin­dak ang biyuda at nanla­ban pa sa suspek kaya pina­­­putukan na siya sa dibdib. (Lordeth Bonilla)

Show comments