^

Metro

4 pulis-QC sabit sa hulidap

-

Apat na tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang inireklamo ng hulidap ng tatlong negos­yante makaraang tangayin umano ang P345,000 na puhunan nila sa negosyo sa cellphone.

Dumulog kahapon sa QCPD-Criminal Investi­gation and Detection Unit ang mga biktimang sina Melvin Cruz, 27; Jammel Romuros, 26; at Cecille Garrido, 32, pawang mga residente ng #163 M.H. del Pilar street, Malabon City.

Nakatakdang magsa­gawa ng police line-up sa kanyang mga tauhan si QCPD-District Mobile Force chief, Supt. Chris­to­pher Jacob Mateo upang po­­­sitibong kilalanin ng tat­long biktima ang apat na pulis.

Sa salaysay ng mga bik­tima, dakong alas-4 ng ma­­daling-araw noong Marso 13 sa panulukan ng EDSA at Balintawak ay na­ka­sakay sila ng taxi pa­tungo ng Bac­laran upang mamili uma­no ng cell­phone at ac­cessories nang parahin ng dalawang mo­bile car sakay ang apat na pulis.

Pinababa umano sila, ki­­napkapan at binuksan ma­­ging ang bag ni Garrido na naglala­man ng P345,000 na puhu­nan nila ngunit iginiit ng mga suspek na “drug money”.

Isinakay pa sila umano ng mga pulis sa mobile car at inikut-ikot kasabay ng pa­na­nakot na dadalhin sa pre­sinto. Ibinaba sila sa kanto ng D. Tuazon at Del Monte Ave. at pinasibad ang mo­bile car dala ang pera nila.

Sa apat na pulis, isa la­mang ang nakilala nila sa pa­mamagitan ng name­plate nito sa apelyidong “Bacani”.

Kinumpirma naman ni Col. Mateo na may tauhan siyang Bacani na naka­tak­da ngayon nitong ipata­wag upang kilalanin ng mga bik­tima at masampa­han ng kaso kabilang ang tatlo pang kasama. (Danilo Garcia)

BACANI

CECILLE GARRIDO

CRIMINAL INVESTI

DANILO GARCIA

DEL MONTE AVE

DETECTION UNIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with