^

Metro

Inuman niratrat: 3 todas

- Rose Tamayo-Tesoro -

Tatlo katao ang agad na nasawi, habang isa naman ang malubhang nasugatan ma­karaang paulanan ng bala ang masayang inuman ng mga una ng kanilang kapit­bahay, kama­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan na nagresulta ng ka­ ma­tayan sa mga biktima na sina Guillermo Bocalbos, 31; Gerry Daquigan, 37; at Ruel delos Reyes, 23, pawang residente ng BAT Compound Road 4, Pil­dera II NAIA, ng na­banggit na lungsod, ha­bang nilalapa­tan naman ng lunas sa Pasay City General Hospital si Joel Mala­num, 25, ng nasabing lugar.

Samantala, kasalukuyan namang nagsasagawa ng man­hunt operation ang mga tauhan ng Pasay City Police laban sa suspect na si John Paulo Garcia, 30, kapitbahay ng mga biktima, matapos na tumakas ito kasama ang kan­yang anak na hindi nabanggit ang panga­lan sakay ng isang motorsiklo.

Sa isinagawang imbesti­gas­­yon ng Criminal Investi­ga­tion Division (CID) Pasay City Police, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang na­sabing insidente sa BAT Com­pound, Road 4, Pildera, NAIA, Pasay City.

Nabatid na nauna rito, ma­sayang nag-iinuman ang mga biktima sa tapat ng gate ng isang nagngangalang Isagani Mascardo sa nabanggit na lugar nang dumating ang sus­pect na armado ng baril.

Bigla na lamang pinagba­baril ng suspect ang mga bik­tima kung saan minalas na na­puruhan sina Bocalbos, Da­qui­gan at delos Reyes na naging sanhi ng agaran nilang kama­ta­yan, habang si Mala­num naman ay ma­lubhang na­sugatan.  

Lumitaw sa inisyal na pag­sisiyasat ng mga im­bes­tigador na paghihiganti ang motibo sa naganap na pama­maril ng sus­pect sa mga biktima na nag-ugat sa dating alitan kung saan sinasabing pinagtulu­ngang bug­bugin ng mga na­sawing bik­tima ang  una.

Patuloy pa rin ang isinasa­ga­wang imbestigas­yon sa na­ganap na pama­maril.

COMPOUND ROAD

CRIMINAL INVESTI

GERRY DAQUIGAN

PASAY CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with