^

Metro

LRT at MRT tigil ang operasyon sa Semana Santa

-

Pansamantalang ititigil ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) ng apat na araw ang kanilang operasyon bilang pag­gunita sa Semana Santa.

Sa ipinalabas na statement ng MRT sinabi ng pamunuan nito na bilang paggunita sa Holy Week simula sa Marso 20 hanggang 23 (Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay) ay pansa­mantala muna nilang sususpindihin ang kanilang operasyon. Sa mga nasabing araw naman ay doon gagawin ang main­tenance check-up ng mga tren at pagsasaayos ng mga sirang couches.  

Sa hiwalay namang panayam, sinabi naman ni LRT Public Relation Officer (PRO) Jinky Giorgio na tigil din ang kanilang ope­rasyon sa nasabing mga araw sa kaparehas ding kadahilanan. Parehong babalik ang regular na operasyon ng dalawang mass rail transit sa Lunes, Marso 24.

Ang MRT at LRT ay nagsasakay ng mahigit sa kalahating mil­yong katao kada araw at masasabing pinakamabilis na biyahe dahil sa walang trapik at ilang segundo lang humihinto sa bawat istasyon nito. Ang MRT ay tumatakbo sa kahabaan ng EDSA mula sa Pasay, Rotonda hanggang North Edsa habang ang LRT line 1 naman ay tumatakbo mula sa Baclaran hanggang Monu­mento. Ang Line 2 naman ay mula Santolan sa Pasig hanggang Recto.

Samantala nagdagdag naman ng biyahe ang dalawang mass rail transit dahil sa ginawang tigil-pasada ng iba’t ibang transport group kahapon sa kamaynilaan. Ang dating 5 minutong waiting time sa peak hour ay ginawa na lang nilang 3 minuto dahil sa buhos ng mga commuters at ang 10:30 ng gabi nilang closing time ay ginawang 11:30 upang hindi ma-stranded ang mga pasa­hero sa kalsada. (Edwin Balasa at Angie dela Cruz)

ANG LINE

EDWIN BALASA

HOLY WEEK

HUWEBES SANTO

JINKY GIORGIO

LIGHT RAIL TRANSIT

MARSO

METRO RAIL TRANSIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with