Anak binaril ng sariling ama, todas
Binaril sa ulo at pinatay ng isang ama ang kanyang anak na binata nang hindi siya binigyan nito ng pera kamakalawa ng gabi sa lungsod ng
Nasawi
Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Herminigildo Sr., 60, na nahaharap sa kasong parricide.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas
Nabatid na humihingi ng pera ang matandang Penoliar sa biktima subalit hindi siya binigyan nito kaya sumama ang kanyang loob.
Sinumbatan ng matanda ang anak at nairita ang biktima hanggang sa nagtalo ang mag-ama.
Habang nasa kainitan ng argumento ang dalawa ay dali-daling kinuha ng suspek ang kanyang nakatagong baril at walang sabi-sabing pinutukan ng isang beses sa ulo ang batang Penoliar.
Walang buhay na humandusay ang biktima sa sahig ng kanilang bahay habang ang matandang Penoliar ay mabilis na tumakas at iniwang naliligo sa sariling dugo ang kanyang anak. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending