Nanalo sa tong-its hinoldap, pinatay

Kamatayan ang naging katumbas ng pagkapanalo sa tong-its ng isang lalaki nang pagsasaksakin ito ng dalawang holdaper sa Quezon City kahapon ng madaling-araw

Agad na nasawi sa tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Eduardo Tambis, 45, jeepney driver, at residente ng #90 Kilyawan St., Sitio Arguandiente, Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Lydia St., Sitio Aguardiente sa Brgy. Sta. Monica. Pauwi ang biktima mula sa isang sugalan  nang harangin ng dalawang hindi nakilalang salarin at pinagtulungan siyang saksakin.

Bago tumakas, kinuha ng dalawang salarin ang pitaka at iba pang gamit ng bikitma.

Hinihinala ng mga awtoridad na nasubaybayan ng mga salarin ang pagkapanalo ng biktima sa tong-its kaya sinundan nila ito.  (Danilo Garcia)

Show comments