Kamatayan kumatok
Kinatok ni kamatayan ang isang lalaki nang pagbabarilin ito ng kanyang kagalit paglabas niya ng bahay makaraang marinig ang sunud-sunod na katok sa kanilang pintuan sa
Agad na nasawi sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Roberto Jardenia, 40, residente ng Teranate Ext., Batasan Hills.
Kinilala naman ang suspek na si Reynaldo Dalit na hinihinalang matagal nang kaalitan ng biktima.
Dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima sa naturang lugar.
Nagulat ang biktima sa sunud-sunod na katok sa pintuan ng kanyang bahay subalit sa pagbukas nito ay sinalubong siya ng bala ni Dalit. Mabilis na tumakas si Dalit matapos ang pamamaril habang patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending