^

Metro

Opisyal ng Coast Guard sabit sa coal spill scam

-

Nasa hot water ngayon ang isang opisyal ng Philippine Coast Guard matapos na ito ay masangkot sa umano’y ma­ano­malyang kontrata na nag­ka­kahalaga ng P6.5 milyon para sa paglilinis ng karagatan na nakontamina ng coal spill sa Pangasinan.

Ayon sa isang mapagkaka­tiwalaang source mula sa PCG, si Poro Point San Fer­nando La Union District Commander Capt. Joel Garcia ay posibleng matanggal mula sa kanyang tungkulin kung mapa­patunayan na ito ay sangkot sa maanomalyang kontrata sa isang pribadong kompanya na naglilinis ng karagatan bunsod ng nasabing coal spill.

Sinabi ng source na naki­pagsabuwatan umano si Garcia sa isang umano’y kom­panya para alisin ang mga uling na tumapon sa dagat na sakop ng Bolinao, Pangasinan matapos na tumaob ang barge Apol 3003 noong kasagsagan ng bagyong Lando at Mina noong November 2007.

Nabatid na si Garcia umano ang nagrekomenda sa JM Saupan para siyang mag­linis sa nasabing dagat sa ha­la­gang P6.5 milyon matapos na ito ay matapunan ng walong libong toneladang uling ng tumaob ang nasabing barge.

Nang imbestigahan ng PCG, nadiskubre nito na isang Commander Lyndon Cen­dreda ang siyang tumanggap ng ka­ bayaran para sa nabang­git na kompanya dahil sa ito umano ang utos ni Garcia na siya naman umanong labag sa batas.

Hindi rin umano dumaan sa tamang proseso ng pagbi­bidding ang naturang paglilinis ng dagat makaraang hindi nakaabot sa kaaalaman ng munisipalidad ng Bolinao ang nabanggit na bidding.

Bunsod nito’y pansa­man­tala umanong ipinalit kay Garcia si Capt. George Ursa­bia bilang District Commander ng PCG sa Poro Point San Fernando , La Union.

Sa ngayon ay masusi na­man na pinag-aaralan ng PCG ang pagsasampa ng kasong katiwalian laban kay Garcia at sa ilang pribadong indibiduwal na posibleng naging kasabwat nito para umano makuha ang P6.5-M contract sa paglilinis ng coal spill. (G. Amargo)

BOLINAO

COMMANDER LYNDON CEN

DISTRICT COMMANDER

GARCIA

GEORGE URSA

JOEL GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with