^

Metro

Misis tinodas sa harap ng anak

- Rose Tamayo-Tesoro -

Patay agad ang isang ina ng tahanan matapos na pagbabarilin ito sa ulo sa harapan mismo ng kan­yang 8-anyos na anak na babae, kahapon ng umaga sa Makati City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan  ang biktima na kinilalang si Marivic Cruz, 30, residente ng 3878 Borromeo St., Pa­lanan, Makati City bunga ng tinamo nitong dalawang tama ng bala sa ulo.

Nabatid sa imbestigas­yon ng pulisya na dakong alas-10:30 ng umaga nang mangyari ang nasabing krimen sa Araro St., Brgy. Palanan na hindi kalayuan sa bahay ng biktima sa na­banggit na lungsod.

Napag-alaman na ang biktima ay misis ng isang Koreano ay kasalukuyan naglalakad sa nabanggit na lugar kasama ang 8-anyos na anak nitong babae na nakatakda sana nitong ihatid sa isang swimming lesson.

Ayon sa mga saksi, habang naglalakad umano ang mag-ina ay biglang su­mulpot ang isang taxi lulan ang dalawang armadong kalalakihan.

Sinabayan at tinugay­gayan pa umano ng taxi ang mag-ina at isa sa mga lulan nito ang biglang nag­bunot ng baril at agad na pinaputukan ang biktima na nasapol naman ng dala­wang beses sa ulo sanhi upang agaran itong ma­sawi.

Ayon naman sa ilang mga kapitbahay ng biktima, dalawang araw bago pa man mangyari ang na­sabing insidente ay may nakasagutang lalaki ang huli.

May hinala naman ang pulisya na posibleng kilala ng biktima ang mga suspect dahil napatakbo pa ito nang makita ang gunman na nakasakay sa taxi.

Lumalabas naman sa isinagawang pagsisiyasat ng Scene of the Crime Opera­tives (SOCO) team na bihasa sa paghawak ng baril ang suspect at asin­tado ito dahil kahit pa man umano tumatakbo ang taxi ay nagawa nitong maasinta sa ulo ang biktima.

Posible rin umanong alam ng suspect ang mga kilos at daily routine ng biktima at kusang ina­abangan nito ang paglabas ng babae sa kanilang bahay at sinundan ito para sadyang patayin.

vuukle comment

ARARO ST.

AYON

BIKTIMA

BORROMEO ST.

MAKATI CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with