^

Metro

Van salpok sa truck: 1 patay, 1 sugatan

-

Isang tsuper ang nasawi habang sugatan naman ang helper  nito matapos na sumal­pok ang sinasakyan nilang van sa sinusundan nilang trailer truck dahil sa umano’y matin­ding antok sa kahabaan ng  South Luzon Expressway (SLEX), Muntinlupa City  ka­hapon ng madaling-araw.

Namatay noon din ang bik­timang si Gilbert dela Fuente, 47, tubong-Cagayan de Oro, habang ginagamot naman sa Ospital ng Muntinlupa ang helper nitong si Melo Alnas, 29, ng Cabuyao, Laguna, nagtamo ito ng malulubhang sugat sa kanyang katawan.

Sa report na nakarating sa tanggapan SLEX Traffic Ma­nage­ment Group (TMG), na­ga­nap ang insidente dakong alas-3:50 ng madaling-araw sa may Susana Heights, Muntinlupa City.

Nabatid na patungo sa Ca­buyao, Laguna ang delivery van na minamaneho ng mga bik­tima, may plakang REP-446, kung saan galing ang mga ito sa North Harbor dahil sa may delivery sila doon.

Dahil umano sa matinding antok, hindi namalayan ni Dela Fuente ang sinusundan nilang trailer truck at huli na bago ma­kontrol ni Dela Fuente ang ma­nibela kaya sumalpok sila rito.

Sa matinding impact, naipit ang katawan at hita ng biktima sa manibela na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Hindi naman huminto ang si­nalpok na truck ng mga biktima. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

DELA FUENTE

LORDETH BONILLA

MELO ALNAS

MUNTINLUPA

PLACE

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with