Ai-ai at anak humarap sa DOJ

Nagtungo kahapon sa Department of Justice ang aktres na si Ai-ai delas Alas at anak nito na nauna nang inaku­sahan ng pagnanakaw sa isang convenience store sa Sampaloc, Maynila.

Ito ay upang panum­paan at humarap sa preliminary investigation kay Senior State Prosecutor Roxanne Bala­wag para sa inihain nilang reply affidavit laban sa mga suspek na sina Melvin Buceta at Florentino Ermitanio.

Ang mga suspek ay kinasuhan ng komed­yante ng mga kasong serious illegal detention, paglabag sa Child Abuse Law at Grave Threats.

Sa salaysay ng mag-ina, walang merito ang reklamong perjury na isinampa laban sa ka­nila nina Buceta at Er­mitanio kundi pawang ale­gasyon lamang umano ito.

Bukod dito wala ring katotohanan na ang kanyang anak ang nag-umit ng dalawang piraso ng Mentos candy.

Matatandaan na nauna nang pinag­bintangan ang anak ng ak­tres na nagnakaw at ilegal na idinetine sa loob ng nasabing convenience store at pagka­tapos ay sinaktan at tinakot sa kabila nang pagiging menor-de-edad ng bata.

Itinakda ang muling preliminary investigation ng kaso sa Marso 27 dakong alas-2 ng hapon. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments