PETCs na nagsasagawa ng non-appearance ipasasara ng LTO

Nagbanta si Land Trans­portation Office (LTO) Chief Alberto Suansing na agad niyang ipasasara ang operasyon ng alinmang private emission test centers (PETCs) na mapapatu­nayang nagsasagawa ng non-appearance sa smoke test ng mga sasakyan na iparerehistro sa ahensiya. 

Unang batch ng PETCs na posibleng maipasara ni Suansing ay ang Wealth ETC, Malabon; Manila Mid­west, Cavite; BAR Enter­prises, Tunasan; Green Mind,Tuguegarao; Green Star, Alabang; Manila Midwest, Taytay; MSSB, Pila; Pioneer ETC, Taguig; Greenmind  ETC, Caga­yan; Orange ETC, Pam­panga; MSSB ETC, Ba­taan; Eastern Visayas ETC, Tacloban; Techno Motors ETC, Zamboanga;  Manila Midwest, Kalayaan, QC; Dataprobe ETC, Tayu­man; Enviroguard ETC, East Ave., QC; Achilles ETC, Sto. Domingo, QC at DRT­ DIN ETC, Quezon City.

Ang non-appearance ay isang nakagawiang kasa­ lanan ng mga tiwaling Petcs kung saan ang test centers ay nag-iisyu ng certificate of emission compliance (CEC) sa mga may-ari ng sasak­yan kahit na hindi isinailalim sa emission test.

Bukod sa pagpadlock sa Petcs na mapapatu­nayang nag-NA ay kaila­ngang magbayad ng mul­tang P30,000 sa bawat kasalanan kaugnay ng alituntunin ng Clean Air Act ng pamahalaan.

“Ipinangangako ko na lahat ng mapatunayan nating nag- NA ay isasara ko lahat” pahayag ni Suan­sing sa harap ng PETC owners sa isinagawang dialogue sa mga ito sa LTO.

Dito, niliwanag din ni Suansing na ang bawat one-lane PETC ay hindi maaaring makapag-smoke test ng 350 sasakyan sa isang araw dahil kaya lamang nito ay aabot sa 80 hanggang 100 sasakyan.

“Imposible yun kaya kung nakapag-smoke test ng 350 sasakyan ang isang petc na may one lane lamang, tiyak na may NA diyan,” pa­hayag pa ni Suansing.

Bukod dito, nangako din si Suansing na iimbes­tigahan niya ang PETC Information Technology providers at LTO personnel na maaaring nagkutsabahan para maisagawa ang NA sa emission test ng mga sa­ sakyan. (Angie dela Cruz)

Show comments