PETCs na nagsasagawa ng non-appearance ipasasara ng LTO
Nagbanta si Land Transportation Office (LTO) Chief Alberto Suansing na agad niyang ipasasara ang operasyon ng alinmang private emission test centers (PETCs) na mapapatunayang nagsasagawa ng non-appearance sa smoke test ng mga sasakyan na iparerehistro sa ahensiya.
Unang batch ng PETCs na posibleng maipasara ni Suansing ay ang Wealth ETC, Malabon; Manila Midwest, Cavite; BAR Enterprises, Tunasan; Green Mind,Tuguegarao; Green Star, Alabang; Manila Midwest, Taytay; MSSB, Pila; Pioneer ETC, Taguig; Greenmind ETC, Cagayan; Orange ETC, Pampanga; MSSB ETC, Bataan; Eastern Visayas ETC, Tacloban; Techno Motors ETC, Zamboanga; Manila Midwest, Kalayaan, QC; Dataprobe ETC, Tayuman; Enviroguard ETC, East Ave., QC; Achilles ETC, Sto.
Ang non-appearance ay isang nakagawiang kasa lanan ng mga tiwaling Petcs kung saan ang test centers ay nag-iisyu ng certificate of emission compliance (CEC) sa mga may-ari ng sasakyan kahit na hindi isinailalim sa emission test.
Bukod sa pagpadlock sa Petcs na mapapatunayang nag-NA ay kailangang magbayad ng multang P30,000 sa bawat kasalanan kaugnay ng alituntunin ng Clean Air Act ng pamahalaan.
“Ipinangangako ko na lahat ng mapatunayan nating nag- NA ay isasara ko lahat” pahayag ni Suansing sa harap ng PETC owners sa isinagawang dialogue sa mga ito sa LTO.
Dito, niliwanag din ni Suansing na ang bawat one-lane PETC ay hindi maaaring makapag-smoke test ng 350 sasakyan sa isang araw dahil kaya lamang nito ay aabot sa 80 hanggang 100 sasakyan.
“Imposible yun kaya kung nakapag-smoke test ng 350 sasakyan ang isang petc na may one lane lamang, tiyak na may NA diyan,” pahayag pa ni Suansing.
Bukod dito, nangako din si Suansing na iimbestigahan niya ang PETC Information Technology providers at LTO personnel na maaaring nagkutsabahan para maisagawa ang NA sa emission test ng mga sa sakyan. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending