Ginang bugbog-sarado sa dalawang snatcher
Isinugod sa pagamutan ang isang 54-anyos na ginang makaraang walang awang bugbugin ng dalawang isnatser matapos na pumalag ang una na matangay ang kanyang bag kamakalawa ng gabi sa
Nagtamo ng sari-saring pasa at sugat sa mukha at katawan ang biktimang nakilalang si Florida Feliciano, factory worker at residente ng Bagong Nayon Brgy. Bagbaguin,
Sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa panulukan ng
Naghihintay ng masasakyan ang biktima sa nasabing lugar nang huminto ang isang puting taxi at bumaba ang dalawa sa tatlong suspek. Agad na nilapitan ng mga suspek ang ginang at tinangkang agawin ang bag nito ngunit nakipag-agawan ang biktima.
Dito na pinagsusuntok at sinikmuraan ng dalawang lalaking suspek ang biktima hanggang sa mabitiwan ang kanyang bag. Agad na tumakas ang mga suspek sakay ng naturang taxi.
Mabilis namang humingi ng saklolo sa pulisya si Feliciano ngunit hindi na naaresto ang mga salarin. Ayon sa pulisya, maaaring mga “Ipit Taxi Gang” ang mga suspek na nambibiktima ng mga nagsosolong babaeng pasahero ngunit posibleng nag-iba na ng diskarte dahil sa walang maisakay na biktima. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending