^

Metro

MMDA at vendors nagsalpukan

- Danilo Garcia -

Naging marahas at na­tig­mak ng dugo ang na­ganap na demolisyon sa University of the Philippines (UP)  Wet and Dry Market makaraang mag­salpukan ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) at   illegal vendors na nilahu­kan ng mga estudyante ng uni­ber­sidad kahapon ng umaga.

Nagtamo ng sugat dahil sa pambabato ang mga ka­mi­nero ng MMDA, habang suga­tan din ang ilang mga vendors sa pa­ mamalo naman ng mga mi­yem­bro ng demolition team.  Isinu­god naman sa East Ave­nue Medical Center si Vince Marin, 21, political science stu­dent ng UP dahil sa pag­putok ng ulo dulot ng pama­malo.

Nabatid na nag-umpisa ang demolisyon dakong alas-9 ng umaga sa UP wet and dry market sa gilid ng Common­wealth Avenue, Philcoa, ng naturang lungsod.

Ayon sa mga vendors, iligal umano ang demolis­yon dahil sa walang maipa­ki­tang court order ang MMDA.  Si­nabi naman ni Roberto Esqui­vel, director ng MMDA Side­walk Clearing Operations, na hindi na kaila­ ngan ng kautu­san ng korte dahil sa “nuisance per se” o direktang nakaka­abala sa daloy ng tra­piko ang naturang palengke.

Lumakas naman ang loob ng mga vendors ma­tapos na kampihan sila ng mga militan­teng estudyante ng UP na nag­sagawa ng de­monstras­yon laban sa pamahalaan at idi­nawit rin si Pangulong Arroyo.

Nabatid naman na nag­pa­ulan umano ng bato ang mga vendors at estudyante sa mga kaminero. Gumanti naman ang mga ito nang makipag­suntu­kan sa mga nagpopro­testa at ma­ muk­pok ng dala nilang pamalo.

Sinabi naman ni Marin na bukod sa pamamalo, hinam­pas rin siya ng baril ng isa sa miyembro ng de­molition team sanhi ng pag­putok ng kan­yang ulo. Ipi­nag­tanggol naman ni Es­qui­vel ang kanyang mga tauhan na umano’y guman­ti la­mang sa pananakit sa kanila.

Labis din siyang nagta­taka na maging sa demolis­yon ng ilegal vendor ay binabanggit ang pangalan ni Jun Lozada, ang sina­sabing key witness sa ZTE broadband deal anomaly.

CLEARING OPERATIONS

DRY MARKET

EAST AVE

NAMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with