^

Metro

Leviste, anak ni delas Alas nagharap

-

Nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan ni dating Batangas Gov. Jose Antonio Leviste at anak ng kanyang napaslang na si Rafael delas Alas matapos silang mag­tagpo sa pagpapa­tuloy ng pagli­litis, kahapon sa Makati City Regional Trial Court (RTC).

Batay sa kanilang pag-uusap, ipinaliwanag ni Leviste sa anak ni delas Alas na si Dinna na huwag hayaan ang sarili na ma­gamit ng ibang tao dahil kapwa sila nagdurusa sa pang­yayari, pati na ang kanyang mga anak na wala namang kinalaman.

Ayon pa sa dating gober­na­dor, malaki ang paniwala niyang maiintindihan na ng pamilya ng dati niyang administrador na hindi nila kapwa kagustuhan ang pangyayari at handa rin ang kanyang mga anak lalo na si Toni na isang equestrian cham­pion na kausapin din ang pa­milya delas Alas.

Nakakita pa ng pagkakataon si Leviste na mahawakan ang kamay ni Dinna sa kabila ng pag­tanggi ng huli at sinabing hanggang ngayon ay nagdu­rusa sila sa pagkamatay ng kanilang ama at nalulungkot din siya dahil dati silang malapit sa pamilya Leviste.

“He was trying to reach me out kahit noon pa pero andun pa rin yung sakit kahit nakalipas na ang panahon at sa ngayon andito na ang kaso sa korte. Hanggang ngayon hindi pa rin kami makapag-move on sa pag­kawala ng tatay ko. Siguro pag­sarado na ang kaso anuman ang maging desisyon dun pa lang siguro kami mag-uumpi­sang mag-move on,” ayon naman kay Dinna.

Sa pagpapatuloy ng pag­dinig kahapon, nagharap ng pa­ni­bagong testigo si Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco sa sala ni Makati RTC Judge Elmo Alameda ng Branch 150 na magpapatunay na may ma­samang ugali at marahas ang akusado.

Kabilang sa mga testigong iniharap ni Velasco sina Jester Donasco at Erlinda Lozada na kapwa nagpahayag na minura sila ni Leviste nang palayasin sa lupang pag-aari ng dating go­bernador sa Sun Valley, Paraña­que City habang iniuutos ang paggiba sa kanilang bahay.

Mariing tinutulan naman ni Atty. Ramon Esguerra, abogado ng depensa ang pagharap ng panibagong testigo at sinabing hindi kabilang ang bagong tes­tigo sa presentasyon ng ebiden­siya na labag sa umiiral ng pa­nun­tunan ng korte. (Rose Tamayo-Tesoro)

BATANGAS GOV

DINNA

ERLINDA LOZADA

JESTER DONASCO

JOSE ANTONIO LEVISTE

LEVISTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with