2 paslit sinanay na mandukot, timbog

Sa halip na pag-aaral, pan­durukot ang natutuhan ng dala­wang paslit na naaresto ng mga opisyal ng barangay matapos na mandukot sa 28-anyos na babae sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga.

Hawak ngayon ng Manila Youth Rehabilitation Center (MYRC) ang mga paslit na sina Vina, 7; at Totoy, 12; (hindi mga tunay na pangalan) ma­tapos na ireklamo ni Shirley Maceda, ng Quezon City na siyang nan­dukot sa kanya.

Sa report ng pulisya, da­kong alas-8 ng umaga nang ma­­aresto ang mga bata sa ha­rapan ng 168 Mall sa kanto ng Soler at Roman Sts., Binondo.

Palabas ang biktima ng na­sabing mall nang kunwaring bi­ne­­bentahan sila ng mga plastic bag subalit lingid sa kaalaman nito ay nadukot ang kanyang pitaka na nagla­laman ng P575.

Nakita naman ng isang ba­rangay tanod na nagpa­patrulya sa harapan ng mall ang aktuwal na pandurukot ng mga bata kung kaya agad niyang dinakip ang mga ito.

Kinumpirma naman ng bik­tima ang pitakang hawak ng mga bata, gayunman ay tu­mang­ging magreklamo si Ma­ceda laban sa mga ito dahil na rin sa awa sa mga bata.

Inamin ng mga bata na isang alias “Orak”, miembro ng “True Brown Style” ang nag­turo sa ka­nilang mandukot at umano’y pina­pagalitan sila kung wala silang mai­intrega. Pinag­ha­hanap naman ng pulisya si “Orak”. (Grace dela Cruz)

Show comments