^

Metro

Hapones, misis timbog sa human trafficking

-

Sinampahan sa Manila Pro­secutor’s Office ng kasong human trafficking o paglabag sa Republic Act. 7610 ang isang Hapones at Pinay na misis nito matapos na irekla­mo ng ina ng kanyang ni-recruit na menor-de-edad sa Malate, Maynila.

Kinilala ang suspect na sina Masaushi Suzuki, 45, tubong Tokyo, Japan at misis nitong si  Reby delos Reyes-Suzuki, 37, kapwa nagma­may-ari ng Angel Heart II KTV Bar sa Mabini, Manila. Ayon sa ulat, dakong alas-10 ng gabi noong Lunes nang ka­nilang makuha sa na­sabing KTV bar ang  biktima na itina­go sa  pangalang Norma.

Nabatid na unang nagka­roon ng alitan ang biktima at ina nito kung kaya’t nagpasya ang  huli na maglayas  hang­gang sa mapasok sa nasabing KTV bar. 

Nalaman  ng ina ng biktima  ang pagtatrabaho ng kanyang anak sa KTV bar kung kaya’t dumulog ito sa mga awtoridad. Sa pagnanais na makuha ang anak ay humingi ng tulong ang ina ng biktina sa isang tele­vision station na humingi na­man ng tulong mula sa CIDG sa Camp Crame. Dakong alas-10 ng gabi nang salakayin ng mga awtori­dad ang KTV Bar hanggang sa ma­­kuha ang bik­timang menor-de-edad na ka­saluku­yan pang may kostumer.

Bukod sa paglabag sa RA 7610 sasampahan din ng pag­labag sa PD.1866 o Illegal Pos­session of Firearms and Am­mu­ni­tions. Nabatid na  gu­magamit din umano si Suzuki ng uni­porme ng pulis. (Doris Franche)

ANGEL HEART

CAMP CRAME

DORIS FRANCHE

FIREARMS AND AM

ILLEGAL POS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with