Estero binabalikan ng iskuwater

Hindi tatantanan ng pamu­nuan ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga residenteng nakatira sa mga estero matapos muling iutos nito sa mga tauhan ng Sidewalk Clearing Operations Group na ins­peksiyunin at balikan ang mga daluyan ng tubig matapos makatanggap ng impormasyon na muling tina­ yuan at binalikan ito ng mga na-demolish na pamilya.

Habang abala si MMDA Chairman Bayani F. Fernando sa iba’t ibang iskema na ipina­tutupad sa lansangan sa ilalim ng Metro Guwapo projects nito sa Metropolis, malaya nang na­kabalik  ang mga dating gini­bang bahay ng iskuwater sa ilang bahagi ng lungsod.

Ipinanawagan ng ilang resi­dente ang muling pagtatayo ng make-shift sa dalawang ba­rangay sa Quezon City na nag­pi­piyesta muli sa pagtatayo at pagkumpuni sa mga dating giniba ng MMDA.  (Lordeth Bonilla)

Show comments