4 na supporter ng Magdalo ‘iginisa’

Apat na tagasuporta umano ng  rebeldeng grupong Magdalo ang sumasailalim ngayon sa interogasyon ng Southern Police Dis­trict matapos damputin sa kasagsagan ng interfaith rally ng oposis­yon sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga dinampot at iniimbestigahan ng pulisya sina retired Master Sergeant Dominador Rulle, retired Navy 1st Seaman Rommel Solis; Chito Pareno at Gerry Delfin. Ang mga ito ay may naka­kabit na kulay pulang armed band ng Magdalo. Sinabi ni Atty. Argee Guevarra, abogado ng Magdalo rebels, walang katotohanan ang akusasyon na nagpanggap na mga pulis ang apat na kliyente nito katulad nang naunang pahayag sa media. (Lordeth Bonilla)

Show comments