Puri ng dalagita sinira ng maton

Nasira ang kapurihan at kinabukasan ng isang magandang dalagita nang pagsamantalahan ng isang kilalang maton sa Caloocan City na iniulat kahapon. Kasalukuyang hinahanap ng pulisya ang suspek na si Ian Samson, 27, na tumakas at nag­tago nang malaman nitong nag­rekla­mo sa pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Gemma, 16.

Sa salaysay ng biktima, unang naganap ang tangkang pang­­gagahasa sa kanya noong Pebrero 17 ng kasalukuyang taon, dakong alas-7 ng gabi nang yayain siya ng suspek sa bahay nito at mayroon lamang umanong ipapakita. Tatanggi sana ang dalagita pero tinakot siya nitong papatayin kaya napilitan siyang sumama.

Pagpasok sa bahay ay agad na sinunggaban ng suspek ang biktima sa pamamagitan ng walang tigil na paghalik sa iba’t ibang parte ng katawan at nang tangkang gagahasain na ito ay nanlaban ang biktima hanggang sa makalabas ng bahay.

Subalit sa ikalawang pagkakataon ay muli umanong tinakot ng suspek ang biktima at pinilit na dinala sa bahay ng suspek habang pinag­babantaang papatayin at sa pagkakataon iyon ay nagta­gumpay ang maton na makuha ang pagkababae ng dalagita. (Lordeth Bonilla)

Show comments