Tambay todas sa ambush
Patay ang isang 31-anyos na lalaki, habang na damay namang nasugatan ang isang babae makaraang tambangan ang una ng dalawang hindi pa kilalang lalaki na nakasakay ng motorsiklo kamakalawa ng hapon sa
Nakilala ang nasawi na si Ronald Ramos, habang nagtamo naman ng isang tama ng bala sa kanang hita matapos tamaan ng ligaw na bala si Jennylyn Ocol, 22, kapwa residente ng Brgy. Kalawan ng nasabing lungsod.
Sa ulat, naganap ang pananambang dakong alas-5:30 ng hapon sa kahabaan ng Mangga Avenue Resettlement Site ng nasabing barangay habang naglalakad ang lalaking biktima ng bigla na lang itong hintuan ng isang motorsiklong walang plaka sakay ng mga armadong suspek na nakasuot ng bonnet at malapitan itong pinagbabaril, habang nadamay naman si Ocol at tamaan ng ligaw na bala sa hita ng eksaktong napadaan din sa lugar.
Matapos ang insidente ay agad ng tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo habang agad na isinugod ang mga biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi na rin umabot pa ng buhay si Ramos.
Samantala blangko pa rin ang pulisya sa motibo ng pagpatay matapos na ayaw umanong makipagtulungan ng pamilya ng nasawing biktima sa ginagawang imbestigasyon. Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang awtoridad para sa agarang pagkalutas ng kaso. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending