^

Metro

2 biktima ng ‘matrona killer’ di pa rin kilala

-

Ipinakita na sa media ang mga damit ng dala­wang  babaeng biktima ng pagpatay at pagsunog  sa loob ng motel ng umano’y gu­magalang “matrona killer” para matukoy ng kani-kanilang mga kaanak.

Ayon kay  Manila Police District-Homicide division Chief, Dominador Arevalo, mahalaga umanong ma­isa­publiko ang deskripsyon ng mga damit ng mga bik­tima para makilala ito ng kanilang mga kamag-anak. Dahil hanggang sa ngayon ay wala pang kumukuha sa mga labi ng dalawang biktima.

Kabilang sa mga nare­kober ay isang pink na shorts, dilaw na t-shirt na may nakasulat na panga­lan na “Norma” sa laylayan, kulay pula na purontong short at isang pares na kulay beige na sapatos na pag-aari ng ginang na na­tagpuan dakong alas-2 ng madaling-araw noong Sa­bado sa Room 320 ng Sweet Hotel sa kanto ng Rizal at Recto Ave., sa Sta. Cruz, Maynila.

Habang isang maong pants na may kulay pink na belt, isang pink na t-shirt, dilaw na blouse, isang itim na shoulder bag at rubber shoes naman ang nare­kober sa biktimang natag­puan dakong alas- 4:45 ng hapon noong Lunes sa Room 207 ng Happy Inn Hotel sa 447 Palma St., Quiapo.

Ang kagamitan ng mga biktima ay kinuha sa Po­pular Funeral Homes.  Gayunman, isang ma­la­king palaisipan kay Are­valo kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring lumulutang na kaanak ng biktima kung kaya  hindi rin umuusad ang kanilang imbestigasyon.

Naniniwala rin ang MPD na isang gumagalang serial killer ang suspek sa dalawang insidente ng panununog sa dalawang ginang dahil sa iisa ang gi­namit na “pattern” ng pag­patay nito sa dalawang biktima. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

CRUZ

DOMINADOR AREVALO

FUNERAL HOMES

HAPPY INN HOTEL

ISANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with