Seguridad sa ‘Interfaith rally’ ikinasa
Simula alas-6 ngayong gabi nasa full alert status na muli ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng isasagawang malawakang interfaith rally ng mga anti-government groups bukas, araw ng Biyernes sa
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Director Geary Barias at kabuuang 5,000 pulis ang kanilang ipakakalat partikular na sa Makati City upang mangalaga sa seguridad sa isasagawang interfaith rally ng anti-government groups.
Bunsod ng mass actions ay imomobilisa mula ng NCRPO ang Task Force Manila Shield upang mapanatili ang peace and order.
Samantala, hindi papayagan ng pulisya na lumagpas sa napagkasunduang oras ang demonstrasyon. Dakong alas-8 ng gabi ang deadline sa isasagawang kilos-protesta.
Tiwala naman ang opisyal na tatalima ang mga organizer sa naturang kasunduan tulad ng naganap sa mga nakalipas na rali.
Nangako naman si Barias na didistansya ang NCRPO sa naturang pagtitipon at tulad ng napagkasunduan ay ipauubaya nila sa mga organizer sa pagbabantay sa kanilang hanay. Papasok lamang ang pulisya kung hihingin ang kanilang tulong.
Tiniyak din ni Barias na plantsado na ang security measures na ipatutupad kaugnay sa isasagawang rali bukas.
Ayon pa kay Barias, pati ang traffic route ay handa na rin umano para maiwasang mabalam ang mga motorista na labis na naaapektuhan kapag may mga kilos-protesta.
- Latest
- Trending