^

Metro

6 grupo ng Chinese drug ring, nasa Pinas

-

Nakatutok ngayon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang Chinese international drug ring  kung saan anim na grupo nito ang nag-ooperate ngayon sa bansa ma­tapos na malansag ang isa nilang itinayong shabu laboratory sa Zamboanga City.

Sinabi  ni  PDEA  Re­gional  Director P/Sr. Supt. Adzar Albani na pinagha­hanap nila ngayon ang main­tainer ng shabu labo­ratory na sinalakay nitong nakara­ang Biyer­nes sa liblib na bahagi ng Brgy. Lamisahan, Zam­boanga City na si Weng Li Yan, alyas Andy Wang na sina­sabing miyembro ng Chinese inter­national drug ring.

Nagpahayag naman umano ng pag­suko si Yan matapos na duma­ting sa Zamboanga City buhat sa Maynila upang linawin ang pangalan nito.

Kaya umanong lumik­ha ng daan-daang kilo ng shabu sa loob ng isang buwan ang naturang la­boratoryo. Na­kumpiska rin dito ang ilang mga rubber stamps  buhat sa mga ahensya ng pa­ma­­halaan na nagbibigay ng permiso para sa impor­tasyon at pagpapalabas ng mga kemikal sa bansa.

Matatandaan na una nang inihayag ng PDEA na tinututukan nila nga­yon ang pamamayagpag ng mga sindikato ng droga sa Mindanao kung saan ibini­biyahe ang mga sangkap na kemikal sa pa­mamagitan ng smuggling sa kara­ga­tan sakay ng mga bangkang pangisda.

Ipinapakalat naman ang mga na­likhang shabu sa Metro Manila, ibang bahagi ng bansa at ma­ging sa karatig na mga bansa sa Asya sa pama­magitan ng pagpapalusot dito sa loob ng mga lata ng sardinas o ipinapasok sa iba pang produkto. (Danilo Garcia)

ADZAR ALBANI

ANDY WANG

DANILO GARCIA

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with