Bisikleta sinalpok ng jeep, paslit patay

Nasawi ang isang 6-anyos na batang babae at sugatan naman ang ka­ibigan nito matapos salpukin ng jeep ang si­na­sakyan nitong bisik­leta, kamakalawa sa Ca­loocan City.

Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng mga tinamong pinsala sa katawan si Rachel Abarra­tigue, ng 27 Caimito Road ng nasabing lungsod habang sugatan ang ka­ibigan nitong si Rodrigo Dequito, 11, kapitbahay ng nasawi.

Nakakulong naman sa Caloocan City Traffic En­forcement Unit (CCTEU) ang driver ng jeep na nakadisgrasya sa mga biktima na si Amador Luchavez, 49, ng Dago­hoy Street ng naturang lungsod. Dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa kaha­baan ng Samson Road, Caloocan City.

Base sa salaysay ng mga nakasaksi, kasalu­ku­­yang binabagtas ng mga biktima ang natu­rang kalsada sakay ng isang bisikleta na mina­ma­neho ni Dequito, nang bigla na lamang ma­ bang­­ga ng rumaraga­sang jeep na may pla­kang NYL-478.

Dahil sa lakas ng pag­kakabangga ay tumila­ pon ang mga biktima kung saan ay tumama ang ulo at katawan ng bata sa bangketa.

Agad namang isinu­god sa nabanggit na pa­ga­mutan ang mga bik­tima ngunit hindi na uma­bot ng buhay si Abarra­tigue habang si Dequito ay himalang nakaligtas at nagtamo lamang ng maliit ng galos sa katawan sa­mantalang ang driver ng jeep na si Luchavez ay agad namang dinala sa himpilan ng pulisya upang pormal na sampahan ng ka­ukulang kaso. (Lordeth Bonilla)

Show comments