^

Metro

‘Usisero’ binoga

-

Dahil sa pagiging usyu­sero, isang 16-anyos na bina­tilyo ang nasugatan nang ma­pagkamalan siyang holdaper at pagbabarilin siya ng isang pulis-Bicutan kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Kasalukuyang nagpapaga­mot sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Jay Arpon, binata, out of school youth, ng 22 Road-10, Don Bosco St., Tondo dahil sa tina­mo nitong tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng hita nito.

Kinilala naman ni P/Supt. Rolando Miranda, Comman­der ng Manila Police District-Station 1 ang suspek na si SPO2 Gerald Valle, 46, ng Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Naganap ang insidente dakong alas-3:45 ng umaga habang naglalakad si Arpon sa kahabaan ng Road-10 sa  Tondo.

Pauwi na umano ang bik­tima nang makita niya ang suspek na nakatayo sa madi­lim na bahagi na malapit sa isang restaurant.

Sa kagustuhan umanong makilala ng biktima kung sino ang nakatayo sa naturang lugar ay huminto siya sandali at inu­s­yoso ang mukha ng suspek.

Inakala naman ng suspek na holdaper ang biktima kaya kinompronta niya ito. Pinabu­laanan ng biktima ang aku­sasyon at tumakbo ito palayo pero pinaputukan siya ng pulis. Kasalukuyang pinag­ha­hanap ng awtoridad ang sus­pek para harapin ang reklamo na inihain laban sa kanya. (Grace dela Cruz)

BICUTAN

CAMP BAGONG DIWA

DON BOSCO ST.

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

GERALD VALLE

JAY ARPON

KASALUKUYANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with