^

Metro

‘Carnap victim’ malilimutin

- Reinir Padua -

Sa pangalawang pagka­kataon, muling nalimutan ng 50-anyos na si Marcelo Se­veriano Jr., residente ng Ba­rangay Holy Spirit, Que­zon City, kung saan niya na­ipa­rada ang kanyang kotse.

At sa pangalawa ring pag­kakataon, nagreklamo si Severiano sa anti-car­napping section ng Quezon City Police District hinggil sa inakala na naman  niyang pagkaka­na­kaw sa kanyang kotse.

Gayunman, sinabi ng hepe ng anti-carnapping section na si Inspector  An­gelo Nicolas na isang tapat na pag­kakamali  lang iyon sa ba­hagi ni Severiano. Kung nag­sisinungaling lang ito para lang makakuha ng pera sa insurance, makaka­suhan ang lalaki ng perjury. “Maaaring nakakalimutan lang niya kung saan niya naiparada ang kan­yang sasakyan.”

Wala anyang panana­gutan si Severiano sa wa­lang katotohanang reklamo nito.

Sinabi ni Senior Police Officer 2 Norman Suva  na pa­mil­yar nga sa kanya ang mukha ni Severiano nang magtungo ito  sa  himpilan ng QCPD-ANCAR kamakalawa ng gabi.

Inireklamo ni Severiano na nanakaw ang kanyang pulang Honda CRV (WRH-604)  habang nakaparada ito sa kanto ng D. Tuazon Street at  Retiro Street sa  Barangay Sto. Domingo  sa pagitan ng alas-5:00 ng hapon at alas-8:00 ng gabi ng nakaraang Huwebes.

Sinabi pa ni Severiano na sandali lang niyang iniwan ang kanyang kotse para bumili ng pagkain sa isang fastfood.

“Sinabihan namin siyang bumalik at magdala ng mga ki­ na­kailangang dokumento,” wika ni Suva sa isang pa­nayam.

Pero sinabi ni Suva na kagyat silang nagpadala ng mga tauhan para tignan ang lugar na pinangyarihan ng krimen nang Sabado ring iyon.

“Nang makarating doon ang grupo namin, nakita na­ming nakaparada ang sasak­yan  sa harapan ng isang res­taw­­ran malapit sa Banawe Ave­nue. Sinabi ng guwardya ng restawran na maagang umalis ang may-ari ng sasak­yan,” sabi pa ni Suva.

Nang tingnan naman ni Suva ang kanilang files sa pre­sinto, natuklasan niyang pa­milyar talaga si Severiano dahil nauna na itong nag­reklamo sa kanilang tang­gapan noong Nobyembre ng nakaraang taon hinggil sa pagkakana­kaw ng kotse nito.

Sa naturang insidente,  hindi nakaparada nang ma­ayos ang isang pulang Mit­subishi Adventure sa harap ng isang fastfood chain sa likod ng Quezon City Hall.

Ilan umanong testigo ang nagsabing tila umano lasing ang may-ari ng kotse na nag­mamadaling buma­ba mula sa sasakyan nang hindi inalin­tana kung ma­ayos itong na­ka­parada.

Hinila naman ng QCPD-ANCAR ang kotse at dinala ito sa Camp Karingal.

Pero ang may-ari ng kotse, na si Severiano pala, ay lumi­ taw sa presinto para ireklamo ang pagkaka­na­kaw sa kan­yang Mitsubishi Adventure.

Nagulat na lang si Seve­riano nang makita niyang nasa Camp Karingal ang kanyang kotse.

Mula naman nang isum­bong ni Severiano ang pag­kawala ng kanyang CRV, hindi na siya nagpakita sa QCPD-ANCAR.

Hanggang kahapon ng umaga,  hindi alam ni Seve­riano na ang inakala niyang na­nakaw na kotse niya ay na­kaparada lang sa isang lugar na gaya ng nangyari sa una.

PLACE

SEVERIANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with