Tsinoy nilooban, pinatay

Tadtad ng saksak at patay na nang matagpuan ng kan­yang anak ang isang ginang sa loob ng kanilang bahay, kahapon ng umaga sa Valen­zuela City.

Nakilala ang nasawi na si Bernadette Ramirez-To, 39, nakatira sa  #6146 Eugenio St., Sitio Sulok, Brgy. Ugong ng nabanggit na lungsod.

Samantala, hanggang sa ngayon ay blangko pa ang Valenzuela City Police sa suspek.

Sa inisyal na pagsisi­ya­sat ng pulisya, dakong alas-7:15 ng umaga nang ma­kita ang bangkay ng bik­tima ng kan­yang anak na si Dakwin To, 12, na naka­bulagta  at wala ng buhay sa  kumedor ng ka­nilang bahay. Bukod sa mga tinamo nitong saksak sa katawan ay wala rin itong pang-itaas na saplot at tanging panty lamang ang suot.

 Nabatid na wawala rin ang tatlong cellphone ng biktima na pinaniniwalaang tinangay ng hindi naki­kilalang salarin. (Lordeth Bonilla)

Show comments