^

Metro

6 na satellite office binuksan sa Maynila

-

Upang mas maging ma­dali sa mga Manilenyo, anim na satellite office ng Manila City hall ang binuk­san na ni  Manila Mayor Alfredo Lim sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Ang mga nasabing public satellite offices ay mata­tag­puan sa Tondo Sports Com­plex (District 1); Tayu­man TESDA office (District 2); RASAC Sport Complex office sa panulukan ng Avenida Avenue at Alvarez Streets, Sta. Cruz, Manila (3rd district), Dapitan Sports Complex (District 4), Arquiza cor. Roxas Boulevard (District 5) at isa pa sa Teresa St., Sta. Mesa, Manila (District 6).

Itinalaga ni Lim si City Admi­nistrator Jesus Mari Marzan upang siyang mag-oversee sa operasyon ng mga nasabing mini city halls sa anim na distrito ng lungsod.

Sinabi ng alkalde na ang bawat mini satellite office ay nagsisilbing karugtong ng Manila City Hall upang gam­panan ang tungkulin  ng pag­bibigay  panguna­hing serbisyo sa bawat Ma­nilenyo.Kabilang sa mga serbisyong ma­aaring kunin sa mga nasabing satel­lite offices ay ang mga sumu­sunod; police clearances, senior citizen cards, solo parent IDs, medical as­sistance program, road main­tenance at repair, health at residence certificates, busi­ness license fees, livelihood program, crisis intervention, social case study, business permits, birth certificates, marriage license fees, death certificates at tax payments.

Nagkakaloob din ng lib­reng serbisyo tulad ng libreng libing sa North at South Cemetery at ang pagkakaroon ng libreng lamay sa loob ng North Cemetery chapel.

Maari ding kumuha ng referrals sa Philippine Charity Sweepstakes Office at Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation.

Naging basehan ng alkal­de ang pagtatayo ng nasabing satellite office ay ang Ordi­nance 7792, na nagsasaad ng pagkaka­roon ng kapangya­rihan ng alkalde na lumikha ng city hall  offices  sa  bawat  dis­trito ng Maynila. (Doris Franche)

ALVAREZ STREETS

AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

AVENIDA AVENUE

CITY

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with